
PROGRAMANG MALASAKIT UPDATES: TULOY-TULOY NA PAMAMAHAGI NG TOILET MATERIALS PARA SA ATING MGA KABABAYAN, PERSONAL NA IPINAMAMAHAGI NI MAYOR!
Sa nakalipas na taon ang pamamahagi ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ay personal na ipinaabot ni Mayor V sa ating mga kababayan. Dahil isa ito sa paraan na mailapit ang gobyerno pag dating sa serbisyong may malasakit.
Araw ng linggo, ika-13 ng Marso taong kasalukuyan ay ginanap ang pamamahagi ng toilet bowl at semento para sa ating mga kababayan na nasa población, ang nasabing programa ay ginanap sa Bayanihan Covered Court, Barangay Balala. Ito ay sa ilalim ng Programang Malasakit sa komunidad: zero open defecation program: distribution of toilet materials facility ng ating butihing Mayor Viniang De Vera na ang layunin ay magkaroon ng maayos at malinis na palikuran ang bawat tanahan, sa kabuuhan mayroong 99 na pamilya ang napagkalooban ng nasabing programa.
Magpapatuloy ang mga ganitong proyekto kung saan higit na kapakipakinabang at malaking tulong para sa ating bayan at bawat mamamayan na maingat ang antas ng pamumuhay at pag abante.
#ProgrmangMalasakit
#LibrengPalikuran
#TatakMayorV
#AbanteCulion