
Programang Pangkalusugan ni Mayor V Kontra sa Tuberculosis
TIGNAN: Programang Pangkalusugan ni Mayor V Kontra sa Tuberculosis!
Nitong nakaraang taong 2022 tayo po ay nakapag enrol ng pitumput-isa (71) na kaso ng Tuberculosis na nagagamutan sa tanggapan.
Minabuti ng ating mahal na Mayor na pag laanan sila ng pansin upang mapadali ang kanilang paggaling at mapanatili ang malakas na pangangatawan, bilang pagtungon, ang ating mahal na Mayor ay naglaan ng pondo upang malibre sila sa kanilang buwanang karagdagang vitamins.
Ayon sa World Health Organization (WHO), halos magkamukha po ang sintomas ng TB at Covid-19. Ang pinagkaiba, ‘di tulad ng Covid-19, mas matagal at unti-unting lumalabas ang mga sintomas ng TB.
Kaya naman po lubos na pag-iingat ang kakailanganin para hindi po tayo magkaroon ng mga naturang sakit na ito.
Pag-ingatan po natin ang ating mga baga, itodo na ang disiplina para iwas-Covid 19 at panatilihin po nating malakas ang ating mga pangangatawan para iwas sakit!
#AbanteKalusuganCulion
#BeHealthyandSafeAlltheWAY!
#TBDOTS
#NationalTBcontrolProgram
CTTO: WHO