
Programang Pangkalusugan ni Mayor V
Programang Pangkalusugan ni Mayor V | MHNO Tuloy-tuloy ang Pagsasagawa ng Medical Outreach Program sa mga Island Barangays | Brgy. Malaking Patag So. Mampok Sept. 1, 2022 | Bgry. Binudac So. Alava Sept. 2, 2022
Pinag-ibayo ng Lokal na Pamahalaan ang pagbabahagi ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa bawat mamamayan ng Culion. Sa pangunguna ni Dr. Pamela Daniel at ng buong Medical Team ng MHNO, sa pakikipagtulungan ng mga Brgy. Captain Kap. Christopher Galigao at Kap. Elena Calunia, at mga Brgy Officials, gayun din ang mga masisipag natin na Brgy. Health Workers at Brgy. Nutrition Scholars, nakapagsagawa ang team ng humigit-kumulang na 220 bilang ng nakonsulta.
Kabilang sa mga serbiysong naisagawa ay ang mga sumusunod:
– General health consultation
– Prenatal check-up sa mga buntis
– Immunization o bakuna para sa mga bata
– #PinasLakas Vaccination laban sa COVID-19 (primary series at booster dose) at #katokBakuna
– Contraceptive implant insertion at DMPA injection
– Free circumcision drive/ Operation Tuli
– Pagbabahagi ng maintenance medication para sa mga Senior Citizens
– Pagbabahagi ng vitamins para sa lahat
– Ilang laboratory services (CBC, Urinalysis, Sputum AFB atbp.)
– Health education o pagpapalagaap ng mensaheng pangkalusugan
Sa karamihan ng mga isla barangay na binibisita ng MHNO Medical Team, ang mga sistemang pangkalusugan ay napatid ng pandemya kung kaya’t ang team ay nakatuon sa pagbabalik ng de-kalidad na pangunahing pangangalagang pangkalusugan at iba pang mga serbisyong hatid nila.
Abante Culion!
#AbanteCulion #ProgramangPangkalusugan #pinaslakas2022 #katokBakuna