Proyekto ng Mamamayan sa Administrasyon Ni Mayor V Maisasakatuparan

Sa kabila ng Pandemyang nararansan ng ating bayan ay hindi natinag ang mga minimithi ng ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating butihing Punong Bayan Hon. Ma Virginia N. De Vera,ang makapagbigay ng proyekto sa bawat barangay na nasasakupan nito. Isa na rito ang Alava Covered Court na l kasalukuyang ipinapatayo sa Sitio Alava ng Brgy. Binudac. Ang nasabing proyekto ay iginawad sa pangangalaga ng First R+J Builders Philippines Inc. at ito ay nanggaling sa 20% development fund ng pamahalaan na may aprobadong badyet na nagkakahalaga ng Php 4, 439,749.74, na may sukat na 20mx32m.

Ang proyektong ito ay napakalaking tulong hindi lamang pagdating sa larangan ng sports kundi ito ay makakapagbigay ng maayos at maginhawang lugar sa mga aktibidades na gaganapin ng ating mamayan. At sa pamamagitan nito ay sisibol ang mahuhusay na manlalaro na magbibigay ng karangalan sa ating bayan.

Ang mamamayan ng Sitio Alava ay lubos ang pasasalamat sa walang katulad na malasakit ng ating Punong Bayan, Mayor V.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!