Skip to main content

PUBLIC ADVISORY: PINAG-IINGAT ANG LAHAT SA PAG BILI O PAG KUNSUMO NG SHELFISH DAHIL SA BANTA NG TOXIC RED TIDE!

Nais iparating ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Culion sa pamununo ni Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera sa ating publiko na nag labas ng isang babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (Shellfish Bulletin No. 02 series of 2021 dated January 28, 2021) sa pag kain ng lahat ng uri ng shellfish na nag mula sa HONDA BAY, PUERTO PRINCESA BAYS at INNER MALAMPAYA SOUND, TAYTAY ay nag POSITIBO SA TOXIC RED TIDE at hindi maaring kainin o ibenta dahil sa banta ng pagkalason o panganib na dulot sa ating kalusugan. Ang isda, pusit, alimango at hipon ay ligtas namang kainin, siguraduhin lamang na sariwa ang mga ito at malinis ng maayos, alisin ang mga hasang at bitukas bago lutuin.
Agad ipagbigay alam sa kinauukulan ang sino mang nagbebenta ng nasabing produktong dagat kagaya ng tahong at iba pang “shellfish” na nag mula sa mga nabanggit na lugar sa itaas upang maiwasan ang panganib na dulot nito.

 

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan