Skip to main content

PUBLIC SERVICE CONTINUITY PLAN TRAINING SA BAYAN NG CULION

Umarangkada ngayong araw, September 28, 2023 ang Public Service Continuity Planning Training Course para sa mga departamento ng lokal na pamahalaan, kung saan ay layunin nitong magkaroon ng plano ang bayan ng Culion upang masiguro na makapagbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo-publiko sa kabila ng pagtama ng di inaasahang mga sakuna o kalamidad.
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa Palawan League of MDRRMO sa pangunguna ng ni LLP President Raymund Dela Rosa at LLP Vice President Anthony Lornzo sa pamamagitan ng Culion MDRRMO sa pangunguna ni Ginoong Armando Lagrosa II ay ating naimbitahan ang mga MDRRMO ng bayan ng Narra at Rizal upang maging mga resource person ng training na ito. Lubos ang kagalakan ni Mayor V na magkaroon tayo ng refresher at mapaghusay pa ang kasalukuyang mga programa ng pamahalaan para sa patuloy at umiigting na pag-Abante ng Culion

#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit

#PSCPTraining

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan