
READ: CULION 10-YEAR ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT PLAN ANG KAUNA-UNAHAN SA BUONG CALAMIAN NA NAAPRUBAHAN NG PCSD AT DENR!
Isa ang basura sa may pinaka malaking banta ng panganib sa kapaligiran at kalusugan ng tao kung kayat ang pamunuan ni Mayor V sa lokal na pamahalaan ay agresibong bumuo ng plano kasama ang ibat-ibang ahensya, mga eksperto at sektor ng ating lipunan upang maging bahagi sa pag paplano.
Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang masusing pag-aaral at paghihimay sa kung ano ang dapat na nilalaman, malugod na ibinabalita ng lokal na pamahalaan na ang ESWM Plan 2019-2028 ay aprobado na ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa kanilang ika-276th Meeting noong February 24, 2021 at ng Department of Environment & Natural Resources (DENR). Ito ay kauna-unahan sa buong Calamian na inaproba ng mga nasabing ahensya.
Ang ESWM Plan ay ang konkretong plano bilang gabay ng LGU, ng bawat barangay upang maisayos at maitama ang mga maling gawi at kaisipan pag dating sa basura. Ito ang magiging daan upang mapangalagaan ang kalinisan ng kapaligiran at ng bayan.
Lubos na nag papasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito.
#ApprovedESWMP
#properwastedisposal
#WorkingMayor
#AbanteCulion