Skip to main content

RECRUITMENT, SELECTION, AND PLACEMENT PROCESS NG LGU CULION, KINILALA NG CSC NA MATURITY LEVEL 2 NA !!!

Isa sa mga layunin ng kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ng ating Punong Bayan, Mayor V, na paigtingin ang pagpapaunlad ng mga proseso na may kinalaman sa human resource ng ahensya. Kaya naman sinimulan ang PRIME HRM journey nito taong 2023.

Nito lamang ika-17 ng Enero, 2024, inatasan ni Mayor V, sina Hon. Eduardo B. Montenegro Jr., Chairman, Civil Service and Employment, at Bb. Charmine Gay Marimon, Officer-in-Charge ng HRMO, na tanggapin ang pagkilala sa Recruitment, Selection, and Placement Process ng LGU Culion bilang Maturity Level 2 sa ilalim ng PRIME HRM ng Civil Service Commission sa Batasan Hills, Quezon City.

Sa kasalukuyan, under review na din ng Commission ang Rewards and Recognition Program ng ahensya. Layon ng liderato ni Mayor V, bago matapos ang kanyang termino, ay maging PRIME HRM Level 3 ang ahensya.

#hrmoculion
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan