
REGIONAL WEATHER FORECAST
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
REGIONAL WEATHER FORECAST
Issued at: 5:00 AM, 23 December 2022
Valid Beginning: 5:00 AM today until 5:00 AM tomorrow
Base sa inilabas ng PAG-ASA kaninang 5:00 ng umaga, ang Low Pressure Area (LPA) ay namataan sa layong 355 km East Southeast ng Surigao City, Surigao del Norte. Amihan naman ang nakakaapekto sa bandang Luzon.
PAGTAYA:
Ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan. Ang Visayas at nalalabing bahagi ng Palawan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilaga ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)