
REGIONAL WEATHER FORECAST
REGIONAL WEATHER FORECAST
Issued at: 5:00 AM, 10 September 2022
Valid Beginning: 5:00 AM today until 5:00 AM tomorrow
SYNOPSIS: : Sa 3:00 AM ngayong araw, ang sentro ng Severe Tropical Storm “INDAY” {MUIFA} ay tinatayang batay sa 495km East ng Basco, Batanes (20.2°N, 126.7°E) na may maximum sustained winds na 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 km/h. Kumikilos ito sa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 20 km/h
PAGTAYA:
Ang Western Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Trough ni Bagyong “Inday”. Ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog-kanluran hanggang sa Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)