Skip to main content

REHABILITASYON NG MGA SIRANG PARTE NG TIZA – SAN JOSE ROAD, MABILISANG NAISAGAWA!

TINGNAN: REHABILITASYON NG MGA SIRANG PARTE NG TIZA – SAN JOSE ROAD, MABILISANG NAISAGAWA!
Mula sa direktiba ni Mayor V, agarang inaksyonan ang pagpapagawa ng kalsada dahil sa mga bitak-bitak na parte na puwedeng magdulot ng peligro sa ating mga motorista. Nilaanan ng pondo mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management upang masimulan ang pag-aayos ng nasabing kalsada.
July 1, 2022, mabilisang natapos ang rehabilitasyon ng daan mula sa Tiza-San Jose Road. Maaring na itong madaanan ng tricycle, chariot at motorsiklo, bagamat hindi parin puwedeng dumaan ang mga malalaking sasakyan. Isang malaking kaginhawaan ang pagsasaayos ng ating mga kalsada para maiiwasan ang anumang aksidente sa pagmamaneho. Ang lahat ng motorista ay makakauwi ng ligtas sa kani-kanilang pamilya.
#sulongimprastraktura
#MDRRMFund
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan