RELIEF GOODS DISTRIBUTION May 26-27, 2020

Nitong mga nagdaang araw ika-26 at 27 ng Mayo taong 2020 ay muling tinungo ang Barangay Jardin, Osmeña, Libis at Baldat upang mamahagi ng ayudang tag kalahating sakong bigas na pinangunahan naman ng ating walang kapagurang butihing Mayor Hon. Ma. Virginia N. De Vera at kanyang naging katuwang sina Sangguniang Bayan Members, Hon. Leonilo Sarmiento, Hon. Warnell Dayandante at SK Fed Aljhon Daco at iba pang mga kawani ng Lokal na pamahalaan ng Culion sa pamarnahagi ng mga bigas.

Nakapamagi ng ayuda ang ating Lokal sa Brgy. Jardin ng 76 na benepisaryo at Osmeña 122, Libis 95 at Brgy. Baldat 40. Lahat ng ipinamahagi ay para sa lahat ng ating mga mangingisda at Front Liners ng sabing mga barangay.

Nais lamang iparamdam ni Mayor V na hindi nag-iisa ang kanyang mga nasasakupan sa kinakaharap nating problema dulot ng pandemyang COVID-19 at patuloy sisikapin ng ating lokal na pamahalaan na walang maiiwan sa pagsulong laban sa pandemyang ito.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!