RELIEF GOODS DISTRIBUTION REPORT

Nitong ika 19-ng Mayo ay personal na tinungo ng ating butihing Mayor Hon. Ma. Virginia N. De Vera ang sitio Berg at sitio Alava sa barangay Binudac at So. Balu-Balu sa brgy De Carabao upang kamustahin ang kalagayan ng ating mga kababayan na nasa malalayong isla.

Inatasan ni Mayor De Vera ang mga kawani ng Mayor’s Office kasama sina SB Cecilia Cunanan at SB Alejandro Astor na pangunahan ang relief goods distribution sa So. Berg na mayroong 86 na bilang ng pamilya, So. Alava na mayroong 242 bilang ng pamilya at So. Balu-Balu na mayroong 26 bilang ng pamilya.

May bilang na 354 relief supplies ang naibahagi sa mga nabanggit na sitio, at ang bawat pamilya ay nabahaginan ng tig iisang relief supplies pack na kamakailan lamang ay pinadala ni Gov. Jose Chavez Alvarez at PSWDO na naglalaman ng tig 6 kilos na bigas, 4 na lata ng sardinas, 4 na corned beef at 3in1 na kape.

Labis ang katuwaan sa mga mata ng bawat pamilyang nakatangap ng biyaya na sa kabila ng layo at hirap marating ng kanilang mga tahanan ay personal pa rin itong ipinaabot ng lokal na pamahalaan.

Nais naming pasalamatan, ang mag-asawang Mr. and Mrs. Simon Lavers sa pagpapahiram ng kanilang 4×4 na sasakyan, Si Mr. Garry Arguelles at gayundin si SB Alejandro Astor sa pagpagamit ng kanyang bangka patungong So. Berg at So. Alava.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!