Skip to main content

Rescue Operation sa mga Sasakyang Pandagat na Na-Stranded

“Iba’t-ibang mandato ng MDRRM Office”
(Distressed Vessel Rescue Operation)
Isa sa mga mandato ng MDRRM Office ay magsagawa ng rescue operation sa mga sasakyang pandagat na na-stranded, lumubog o nabahura.
September 10, 2023 bandang 8:41 nakatanggap ng tawag ang opisina ng MDRRM na mayroong nasiraang bangka malapit sa Bugor Island, at agad namang nagsagawa ng rescue operation ang MDRRM Personnel base na rin sa kautusan ng ating butihing Punong Bayan, Hon. Ma. Virginia N. De Vera, ito ay lulan ng apat (4) katao, at isa dito ay bata na may edad na siyam (9) na taong gulang na galing pa sa Bayan ng Coron, Palawan. Ang mga nasabing nirescue ay maayos na nakatawid sa Bayan ng Culion.
Ang agarang pagresponde sa mga bangkang na stranded o nabahura ay isinasagawa upang masigurong ligtas at makauwi ng maayos ang mga taong lulan ng bangka.
Nais rin namin pasalamatan ang Opisina ng G.S.O sa pagpapahiram ng bangka upang magamit pang hila ng bangkang nasiraan pabalik ng Culion.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan