
Road Clearing and Prevention of Street Crimes alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2019-121 at POPB 1907-19-223
Isang Task Force ang binuo ni Mayor V upang pasimulan ang road clearing and prevention of street crimes alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2019-121 at POPB 1907-19-223. Matapos matanggap ang marching order ng Presidente Duterte sa pamamagitan ng DILG ay agaran namang nag atas si Mayor V na ipulong ang Municipal Peace and Order Council at binuo ang Task Force Kalsada.
Ang Task Force Kalsada ay pinapangunahan ng ating PNP kasama sina SB Marvie Ballesca ( Public Safety Chairman), SB Jun Solas ( Transportation Chairman), Office of the Municipal Administrator, MDRRMC at Office of the Municipal Engineering.
Sa pamamagitan naman ng EO No. 17 S. 2019 ni Mayor De Vera ay inatasan ang mga Kapitan na ipatupad ang naturang batas sa loob ng tatlumpong (30) araw.
Kahapon ay isinagawa ang dalawang magkasunod na operasyon ng Task Force Kalsada:
930PM to 1230AM 25 impounded ( 23 motorbike, 1 chariot, 1 3 wheels) at 16 with citation tickets not impounded..2 elf truck,5 tricycle, 9 motorcyle.
330 to 530PM 3 impounded and 14 citation tickets not impounded.
Asahan natin na pagtitibayin ang mga batas na ito at ang ating sariling ordinansa upang regular na maipatupad sa ating bayan. Naniniwala si Mayor V na ang bawat isa ay makikipagtulungan at makikiisa sa adhikaing maging disiplinado ang bawat isa sa paggamit ng ating kalsada. Abante Culion!
#DisiplinadongMamayanNgCulion
#SulongDisiplinadongKalsada
#AbanteCulion