Skip to main content

Road Clearing Operations sa mga Barangay

Patuloy na nakaantabay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) base na rin sa kautusan ng ating Punong Bayan, Hon. Ma. Virginia N. De Vera, na agarang magsagawa ng road clearing operations sa mga kalsadang may mga naiulat na natumbang puno.
Ngayong araw ng Miyerkules, July 26, 2023, nagpapatuloy ang ating road clearing operations sa Sitio Palumpong, Brgy. Baldat at Sitio Butnongan, Barangay Malaking Patag upang agarang matanggal ang mga punong natumba at nakaharang sa daan at mapanatiling bukas at ligtas ang mga kalsada para sa anumang transakyon ng ating mga kababayan, emergency man o non-emergency, medikal man o pang kalakalan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MDRRMO.
MDRRMO Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan