BUKAS NA ANG KALSADA!

Opisyal nang binuksan sa mga motorista at residente ang bahagi ng kalsada mula sa kanto ng Pinkay Residence hanggang Raval Residence sa Barangay Jardin, Culion, Palawan, matapos ang isinagawang road construction at improvement.

Ang pagbubukas ng kalsada ay bahagi ng mga hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Culion, sa direktiba ni Mayor Cesar “Oyet” M. De Vera Jr., upang mapabuti ang kondisyon ng mga kalsada at makatulong sa mas maayos na paglalakbay ng mga residente at motorista.

Hinihikayat ang lahat na patuloy na mag-ingat at sumunod sa mga alituntunin sa kalsada upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

🛣️ Mas maayos na daan, mas ligtas na paglalakbay!

#RoadOpening

#RoadImprovement

#BarangayJardin

#CulionPalawan

#LGUCulion

#TatakFirstClass

#AbanteCulion