
Sa bisa ng Executive Order No. 72, Series of 2021 ay tinanggal na sa enhanced community quarantine ang mga barangay Balala, Tiza, Libis, Baldat at Culango
Samantalang mananatili naman ang Brgy Osmena at ilang sitio ng Brgy Jardin ( Sugod, Baybay, Upper at Lower Bayanihan) sa kasalukuyang sitwasyon habang minomonitor ang mga close contact na nag negatibo sa initial at repeat swabbing. Ganun na rin ang iba pang mga kabahayan sa mga nasabing lugar. Ang kautusang ito ay epektibo bukas, alas 6 ng umaga.
Inaasahan na ang sino mang may mararamdamang sipon, ubo o lagnat ay agad na makipagugnayan sa kani kanilang bherts o di kaya tumawag sa ating RHU or MDRRM Hotlines.
09673969828 MDRRM Hotline
09774129916 RHU Hotline
Inaasahan ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa sa mga alituntunin na itinalaga habang ang Barangay Osmena at Jardin ay nasa ECQ.