Skip to main content

Sa bisa ng Executive Order No. 76, Series of 2021 na pinirmahan ni Mayor V, ay pormal ng tinatanggal ang enhanced community quarantine o granular quarantine sa Brgy Jardin

Sa bisa ng Executive Order No. 76, Series of 2021 na pinirmahan ni Mayor V, ay pormal ng tinatanggal ang enhanced community quarantine o granular quarantine sa Brgy Jardin. Ang kautusang ito ay epektibo ngayong alas dyes ng gabi, May 14, 2021.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang 8 active covid positive patients ang Brgy Jardin na patuloy na minomonitor sa mga Temporary Treatment ang Monitoring Facility ng Culion. Samantalang ang kanilang mga primary close contact na nagnegatibo sa inisyal na testing ay nanatiling naka strict home quarantine.

Ipinapaalala pa rin po sa lahat na ang pag tanggal ng enhanced community quarantine sa nasabing barangay ay hindi nangangahulugan na ligtas na sa banta ng Covid-19 ang ating bayan. Inaasahan pa rin po ng LGU ang inyong kooperasyon at pagsunod sa mga minimun health standards na mahigpit na ipinatutupad sa bayan ng Culion.

Ang sino man pong may mararamdamang sipon, ubo o lagnat ay agad na makipagugnayan sa kani kanilang bherts o di kaya tumawag sa ating RHU or MDRRM Hotlines.

09673969828 MDRRM Hotline

09774129916 RHU Hotline

Tanging essential reason ang pinapayagan sa labas ng ating mga tahanan. Pinapayagan ang pagpasok sa mga trabaho, pangingisda at pagsasaka.

Ipinagbabawal pa din ang paglabas ng edad 15 pababa at 60 pataas maliban lamang kung essential or emergency or medical ang rason.

Ang mga establisimentong essential lamang ang pinapayagang magbukas.

Hindi pa din pinapahintulutan ang anu mang uri ng mass gathering at contact sports.

Mahigpit na ipapatupad ang pagsuot ng face masks habang nasa labas ng ating tahanan.

Mangyaring ipagbigay alam sa ating mga BHERTS ang anumang sintomas na mararamdaman.

Mananatili ang ating border checkpoint upang maitala at masigurado na macheck ang mga bagong dating mula sa ibang lugar.

Ang protocol na ito ay mananatiling epektibo hanggang masigurado na ang ating bayan ay Covid Free.

Maraming Salamat po. Abante Culion!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan