
Sa Kaunaunahang Pagkakataon, Bccl Kinilala Ang Galing Sa 4th Rescue Olympics At Pagkilala Sa Barangay Binudac At Malaking Patag Sa Listong Barangay Seal Of Excellence
Isang pagpupugay pong muli para sa ating mga Barangay DRRMCs SA UNANG PAGKAKATAON na sumali sa Listong Barangay ay naging mga Awardee! Congratulations to Listong Barangay Seal of Excellence Awardee! ❶ BDRRMC Malaking Patag – Listong Barangay Beyond Compliance ❷ BDRRMC Binudac – Listong Barangay Fully Compliant
Congratulations kapitan Christopher Galigao at kapitan Ma. Elena Calunia, BDRRM Focal James Avenido, Secretary Maria Cristina Tenorio, at buong Sangguniang Barangay ng M. Patag at Binudac.
Akin ring binabati ang MDRRM Team na pinangungunahan ni Mr. Armando Lagrosa II, kasama sina Lyndel Sotero, John Alvin Prima at Joshua Reyes ating ipinadala sa Bayan ng Rizal na isa sa mga bumubuo ng Team Calamian na sa unang pagkakataon sa history ng Culion siyang itinanghal bilang kampyon sa 4th RESCUE OLYMPICS Palawan Wide.
Aking ipinagmamalaki sa lahat ng inyong pagsisikap at dedikasyon sa larangan ng Disaster resiliency. Dahil dito, kayo ay testimonya ng tunay na pag-abante ng Culion. – Mayor V
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#CulionMDRRMO
#MalakingPatag
#Binudac