Skip to main content

SA PANGUNGUNA NI MAYOR V KASAMA ANG MGA SANGGUNIANG BAYAN MEMBERS, ANG PROGRAMANG MALASAKIT TEAM AY NASA BARANGAY CARABAO UPANG MAMAHAGI NG MGA KAHILINGAN NG ATING MGA KAPATID NA TAGBANUA!

Nagpatuloy ang Programang Malasakit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kapatid na tagbanua sa So. Binabaan, Barangay Carabao kung saan nila ipinamahagi ang 112 piraso ng Plywood na naglalayong matulungan ang mga mangingisda ng nasabing lugar, nakapagpamahagi din ng 84 sako ng Semento at 42 piraso ng Toilet Bowl, alinsunod sa Zero Open Defecation Program ng lokal na pamahalaan, upang matiyak na ang lahat ng tahanan sa ating bayan ay mayroong malinis at maayos na palikuran. Kasabay din nito angpamamahagi ng GATAS at DIAPERpara sa mga batang may edad 0-3 bilang pag-alalay sa mga magulang sa pangangailangan ngkanilang anak
#ProgramangMalasakit
#TatakMayorV
#AbanteCulion
#LibrengPalikuran #Mangingisda
#GatasAtDiaper
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan