
SABAYANG PAGLINIS NG KAPALIGIRAN UPANG MAIWASAN ANG PAGLAGANAP NG DENGUE, SINIMULAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN!
TINGNAN: SABAYANG PAGLINIS NG KAPALIGIRAN UPANG MAIWASAN ANG PAGLAGANAP NG DENGUE, SINIMULAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN!
Mula sa inilabas na Executive Order No. 44 series 2022, na nag-uutos sa iba’t-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, kasama ang mga Barangay na tuwing araw ng biyernes ay magkakaroon ng sabayang paglilinis ng ating kapaligiran upang masugpo at matanggal ang pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Ito ay tugon sa tumataas na kaso ng dengue sa ating lalawigan.
Ngayong araw, sinimulan ang aktibidad na ito sa ating lokal na pamahalaan na kung saan ang bawat opisina ay nagsagawa ng sabayang paglilinis ng kani-kanilang opisina. Ang bawat empleyado ay nagbigay ng kanilang ambag sa pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang tanggapan. ito ay tuloy-tuloy na gawain upang mapuksa ang mga lamok.
Nawa’y ang ganitong inisyatibo ay maipasa natin sa ating mga kababayaan upang lubusang mapigilan ang paglaganap ng mga nakakamatay na sakit na dulot ng maduming kapaligiran.
#sabayangpaglinis
#lamokpuksain
#abanteculion