
SANG SAKONG BIGAS AYUDA NG LOKAL NA PAMAHALAAN PARA SA MGA DISPLACED WORKERS SA BARANGAY
Ang Lokal na Pamahalaan ng Culion ay naghandog ng mga bigas para sa ating mga manggagawa o Displaced Workers na naapektuhan ng pansamantalang pagpapatigil ng operasyon ng mga kompanyang kanilang pinapasukan dahil sa krisis ng pandemyang COVID-19.
Ang ating Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera ang nanguna sa pagbibigay ng isang sakong bigas sa bawat apektadong mga mangagagwa na residente ng Barangay Osmeña at kanyang naging katuwang sa pamamahagi ang mga Sanggunian Bayan Members na sina Hon. Cecilia Cunanan, Hon. Marvie Ballesca, Hon. Felford Solas, Hon. Leonilo Sarmiento, Hon. Warnell Dayante at Sk Fed. President Aljon Daco na ginanap sa Brgy.Balala Covered Court kahapon ika-8 ng Mayo taong 2020.
Ang mga ipinamahaging bigas ng Pamahalaan sa ating mga manggagawa ay magsisilbing ayuda at tugon sa sitwasyon na mas tumitindi ang pangangailangan ng bawat pamilya lalo na’t ang karamihan sa ating mga kababayan ay nawalan ng hanapbuhay at walang mapagkukunan.