Sangguniang Bayan Resolusyon No. 2019-1520 ang Preventive Suspension ni Hon. Neil Pagao

Byernes, October 4, 2019, ay ibinaba ng ating Lokal na Pamahalaan alinsunod sa Sangguniang Bayan Resolusyon No. 2019-1520 ang preventive suspension ni Hon. Neil Pagao, ang Punong Barangay ng Bgy Osmena. Ang preventive suspension ay tatagal ng anim napong araw habang dinidinig ng Sangguniang Bayan ang kasong administratibo no. 9SB-001-9. Ang kaso ay nag ugat diumano sa patuloy na pagsira ng mga bakhawan o “mangrove area” sa Sitio Bernabe Brgy Osmena. Maliban dito ay isinumite ang supplemental grounds katulad ng diumano kawalan ng BADAC Plan upang sugpuin ang droga sa brgy at ang intensyonal na hindi pagsunod sa mga direktiba ng nasyonal, provincial at lokal na pamahalaan.

Naglabas din ng sinumpaang salaysay ang kanyang mga kagawad at SK Chairman upang patunayan ang pagkukulang ng kanilang punong barangay at hindi nito pag aksyon sa mga direktiba at hindi rin nito pagbibigay alam sa konseho.

Sa kasalukuyan, si Hon. Ver Castillo, ang acting Brgy Captain ng Brgy. Osmena.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!