
SARI-SARI STORE PACKAGE PARA SA MALIIT NA NEGOSYANTE IBINAHAGI KA-PARTNER ANG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY
TINGNAN: SARI-SARI STORE PACKAGE PARA SA MALIIT NA NEGOSYANTE IBINAHAGI
KA-PARTNER ANG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY.
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa ahensya ng Department of Trade and Industry ibinahagi ang Sari-Sari Store Package na nagkakahalaga ng limang libong piso, ngayong lka-24 ng Hunyo, taong kasalukuyan sa harap ng ating munisipyo. Ito ay dinaluhan ng isang daang benepisyaryo na mula sa iba’t-ibang Barangay.
Kasama sa layunin ng Programang Malasakit ni Mayor V ang paghahanap ng mga partner upang mas lalong mapalawak ang programang ito. Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay nagkaroon ng orientation na kung saan sila ay tinuruan ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
Kaugnay nito binuksan ang Go Negosyo Center upang magbigay kaalaman sa mga gustong sumubok mag negosyo. Tulad na lamang ng programang pangpinansyal na pwedeng salihan sa pamamagitan ng mga training at seminar na kung saan puwedeng matutong magtayo ng sariling negosyo. Magkaroon ng market linkages para lumaki ang ating merkado.
Sa sanib pwersa ni Mayor V at ahensya ng Department of Trade and Industry (DTI), walang maiiwan sa laylayan, lahat ay aangat at babangon para sa panibagong bukas.
# sarisaristorepackage
#GoNegosyoCenter
#DTI
# abanteculion