Sariwang Gulay at Pakbet Relief para Ipamahagi sa iba’t ibang Barangay ika-2 ng Mayo

Matapos ang paghahanda ng mga sariwang gulay ng Lokal na Pamahalaan ng Culion noong ika-2 ng Mayo taong 2020 ay agaran itong inihatid sa iba’t-ibang sitio ng bawat barangay at itinalaga ng ating Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera ang lahat ng kawani ng Pamahalaan upang maging kinatawan sa pamamahagi ng Pakbet Relief sa mga nasasakupan.

Minabuti ng ating Punong Bayan na unahing maabot at mabigyan ng ayudang gulay ang mga naninirahan sa malalayong lugar tulad ng mga residente sa mga sitio ng Barangay Binudac, Barangay Malaking Patag at Barangay Galoc na magsisilbing ikalawang distribusyon sa kanilang lugar para sa lahat ng pamilyang naapektuhan dulot ng disease na corona virus.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!