
Scholarship Allowance Assistance
Noong nakaraang buwan February 28, 2020, sa pangunguna ni Mayor Ma. Virginia N. De Vera ay nagsagawa ng pagpupulong ang mga magulang kasama ang mga estudyante, may-ari ng boarding house at tricycle operators sa Bayanihan Covered Court na sinundan ng pagbibigay ng Scholarship Allowance Assistance para sa 1376 na kabuuhang bilang ng mga Scholars ng Lokal na Pamahalaan ng Culion sa mga buwan ng July-December 2019.
Sa kasalukuyan ay mayroong 232 na estudyante na nanggaling sa mga malalayong Barangay sa labas ng Poblacion na nag-aaral sa Culion National High School (Main Campus), 24 estudyante naman sa LCC na halos karamihan ay binubuo ng mga kapatid nating IP’s na nagmula sa Alulad, Demipac at So. Pinutukan at ang nakakuha ng Boarding House Rental Assistance, 145 estudyante naman ang naninirahan sa Poblacion ang nabigyan ng Libreng sakay mula Poblacion papuntang CNHS Main araw-araw. Nakatanggap din ng Cash Allowance na nag kakahalaga ng P2,500 ang 38 na mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak (outside Culion) upang maka tulong din sa ibat-ibang pangangailangan sa pag-aaral ng mga ito. Sa kagustuhan ni Mayor V. na mabigyan ng siguradong pagkakakitaan ang mga may-ari ng Boarding House at Tricycle Operators direktang ibinayad sa mga ito ang buwanang renta ng mga estudyante upang masigurado din na napunta sa pag-aaral ang tulong na nagmula sa lokal na pamahalaan. Sa kabuuan ay mayroong 64 na mga boarding house owners at 20 na Tricycle Operators mula sa Poblacion ang naka tanggap ng buwanang bayad.
Nais ni Mayor V. na mas dumami pa ang mga estudyante na makapasok sa ating Programang Malasakit para sa Edukasyon nang sa gayon patuloy na mai-angat ang antas ng edukasyon ng kabuhayan sa ating bayan.