Sinundo ang mga estudyanteng magaaaral sa Puerto Princesa City sa pamamagitan ng pagsagot ng ating minamahal na Gobernador JCA ng sasakyan mula Puerto Princesa hanggang El Nido, Palawan

Nakaraang araw ay ating sinundo ang mga estudyanteng magaaaral sa Puerto Princesa City sa pamamagitan ng pagsagot ng ating minamahal na

Gobernador JCA ng sasakyan mula Puerto Princesa hanggang El Nido, Palawan.

Kaya naman tayo ay nagpapasalamat sa Provincial Government of Palawan, kay Governor JCA, at sa pamahalaan ng El Nido sa pagtanggap sa ating mga kababayan at sa pag-assist sa kanila. Agad namang naka-abang ang mga bangkang ipinadala ni Mayor V sa El Nido patungo sa ating bayan. At kaninang 1:40 pm ay dumating ang mga bangkang lulan ang mga estudyanteng residente ng Culion mula sa PPC. Pagkadating ng mga estudyante ay nagbigay pa ng tanghalian si Mayor V sa ating mga kababayang mula PPC at lahat po sila ay sasailalim sa 14-day self quarantine at identified as Person Under Monitoring(PUM).

Tayo po ay patuloy na magmomonitor ng lahat ng PUM at sinisigurado nating dumadaan tayo sa proseso ng Health Measures upang maiwasan ang exposure sa anumang virus sa ating bayan. Kooperasyon at pag-unawa ng bawat isa upang sabay-sabay natin makamit ang tagumpay laban sa virus at ang pag-abante ng Culion.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!