Sinundo ng ating Lokal na Pamahalaan ang unang Sea Farer na Umuwi ngayong Araw Lulan ng 2GO Vessel

Sinundo ng ating Lokal na Pamahalaan ang unang sea farer na umuwi ngayong araw lulan ng 2GO Vessel na ibinaba sa Port ng Coron, Palawan. Ito ay alinsunod sa programang Malasakit Voyage Program.

Ang ating mga kababayang sea farer at ofw ay papayagan lamang makauwi kung sila ay negatibo sa SWAB Test. Bagamat negatibo, sila ay kailangang sumailalim sa 14 day quarantine na siya namang pinaghandaan ng ating lokal na pamahalaan.

Nitong nakaraang sabado at linggo ay sunod sunod na pagpupulong ang ipinatawag ni Mayor V sa ating IATF kasama ang ating mga kapitan ng barangay. Sa pagpupulong ay naaprubahan ang Outside Palawan Repartriation Plan para masiguradong maayos at organisado ang ating mga hakbang sa bawat pagtanggap sa ating mga kababayang sea farers at OFWs.

Nais siguraduhin ni Mayor V at ng ating IATF na walang dapat ipag alala ang ating mga kababayan dahil tayo ay handa sa mga hakbanging ito. Muling binigyan diin ng ating Punong Bayan ang pakikiisa at disiplina ng bawat isa.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!