Skip to main content

SOCIAL PENSION (NATIONAL) PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZEN MATAGUMPAY NA NAIPAMAHAGI!

Nais ipagbigay alam ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Virginia N. De Vera na naging matagumpay sa ating bayan ang pamamahagi ng Social Pension para sa ating mga mahal na Senior Citizen na ginanap noong May 23-26, 2022, matapos maantala dulot ng pandemya at kalamidad na naranasan ng ating bansa na kabaliktaran sa mga lumalabas na isyu patungkol dito.
Ang nasabing pension ay mula sa buwan ng Hulyo at Disyembre taong 2021 at naipamahagi sa benipesaryo mula sa iba’t-ibang barangay na pinangunahan ng DSWD katuwang ang MSWD at OSCA kung saan lubos ang kagalakan ng ating mga senior citizen.
Muli isang paalaala ni Mayor V na huwag agad maniwala sa mga paninira at walang sapat na basehan upang maiwasan ang kalituhan bagkus sumangguni sa tamang opisina para sa mga katanungan at mabigyan ng tamang aksyon.
#SocialPension
#SeniorCitizen
#WorkingMayor
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan