
SOLAR LIGHTS ELECTRIFICATION PROJECT UPDATES: PAGPAPAILAW SA BARANGAY GALOC TAPOS NANG ITAYO!
Sa pagpapatuloy ng proyektong Solar Lights Electrification sa ilalim ng Programang Malasakit ni Mayor Ma. Virginia N. De Vera, ang Barangay Galoc ang sumunod na natapos itayo ang mga nasabing pailaw.
Dahil nais ni Mayor V na mabigyan ng sapat na atensyon ang ating mga kalsada na maging maliwanag sa pagsapit ng gabi upang maiwasan ang mga aksidente at peligro sa mga mamamayan.
Makakaasa na magpapatuloy sa lahat ng barangay at sitio ang proyekto ng lokal na pamahalaan na mapailawan ang lahat ng kalsada at maging ligtas ito.
#ProgramangMalasakit
#SolarLightsElectrificationProject
#TatakMayorV
#AbanteCulion