
SOLAR LIGHTS ELECTRIFICATION PROJECT UPDATES: UPPER BALALA PINAILAWAN NA!
Sa patuloy na pag papailaw sa ating mga madilim na kalsada, nais ipagbigay alam ng Lokal na Pamahalaan na tapos nang ikabit ang mga solar lights/pailaw sa Upper Barangay Balala, ito’y sa ilalim ng Programang Malasakit ng ating butihing Mayor Viniang De Vera katuwang ang Sangguniang Bayan na ang layunin ay maging ligtas, maging maliwanag sa pagsapit ng dilim ang ating mga kalsada at malaking tulong para sa ating mga motirista upang maiwasan ang mga aksidente.
Magpapatuloy ang ganitong proyekto ni Mayor V upang ang bawat barangay at mga sitios sa bayan ng Culion ay patuloy na umabante.
#ProgrmangMalasakit
#SolarLightsElectrificationProject
#TatakMayorV
#AbanteCulion