
SPECIAL PROGRAM OF EMPLOYMENT FOR STUDENTS: MASAYANG NAG TAPOS!
Isang munting salo-salo ang ipinaabot ng Mahal na Mayor Ma Virgnia Nakachi De Vera ngayong araw sa ating 10 SPES sa huling araw nila ng pagtatrabaho sa loob ng mahigit dalwangpung (20) araw.
Ang SPES o Special Program of Employment for Students ay bahagi ng programa ng Provincial Government of Palawan (PGP) at kung saan mag mumula ang pondo na i-papasweldo sa ating mga masisipag na SPES. Malaki ang pasasalamat ng lahat ng SPES Batch 2020 sa oportunidad na kanilang naranasan na alam nilang makakatulong sa pag harap sa tunay na reyalidad ng mundo ng pag tatrabaho sa hinaharap at ang pagiging isang lingkod bayan dahil ika nga ni Gat. Jose Rizal “Ang kabataan ang pag asa ng Bayan”. Ninanais ng lokal na pamahalaan na maimulat ang kabataan sa pagiging may malasakit sa kapwa tungo sa isang maunlad na bayan, ang espirito ng bayanihan at pagiging tunay public servant.
Muli nais mag pasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Culion sa PGP sa pangunguna ni Gov. Jose Ch. Alvarez at naipaparating sa mga malalayong bayan ang ganitong programa na makakatulong sa ating mga kabataan sa paghasa ng isang indibidwal na maging isang kapakipakinabang higit lalo’t ngayong nahaharap tayo sa pandemya (COVID-19).