
Sulong para sa maayos na Kalsada
Alinsunod sa kautusan ni President Rodrigo Duterte na pinagtibay ng DILG Memorandum sa mga lokal na pamahalaan ay inatasan ni Mayor V ang ating Municipal Administrator Max Raymundo at Municipal Engineer Fructuouso kasama ng ating PNP at CULTODA na siya namang sinusugan ng ating Sangguniang Committee on Transportation Hon. Jun Solas at Committee on Public Safety Hon. Marvie Ballesca ang Poblacion Road Clearing Assessment. Ang inityatibong ito ay masusundan ng aktwal na road clearing sa mga susunod na araw na inaasahan nating ang mga barangay na ipatupad ang batas at regulasyon patungkol dito.
Ipinagutos ni Mayor V ang pagbuo ng Task Force Kalsada na siyang magiging katuwang ng PNP na masigurado ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga kalsada. Inaasahan na ilalatag ito sa nalalapit na pagpupulong ng ating Municipal Peace and Order Council upang mas maging maliwanag, komprehensibo at organisado ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa. Ayon kay Mayor V ay ngayon na ang tamang panahon para simulan ang tamang disiplina at kaayusan sa ating mga kalsada para sa kaligtasan ng bawat isa. Nais din nya na mas mapaigting ang kampanya sa transportasyon at public safety.
Abante Culion!
#SulongParaSaMaayosnaKalsada
#SulongTransportasyon
#PublicSafetyangUna
#MaayosnaKalsada
#DisiplinadongMamayanngCulion