
Tatlong Libong Sakong Bigas inihanda ng Lokal ng Culion para Ipamahagi
Tatlong libong sakong bigas inihanda ng Lokal ng Culion para ipamahagi sa halos pitong libong (7,000) apektadong pamilya sa panahon ng COVID-19 sa bayan.
Sa pamumuno ng Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera ay inatasan niya ang mga kawani ng pamahalaan upang pagtulong-tulungan ang pagrerepack ng mga bigas para sa kada pamilya ng bawat kabahayan, katuwang nila ang ilang samahan ang SBC at CVC, mga guro ng CES at WPU at mga studyante na boluntaryong nakiisa at nakipagbalikatan sa pamahalaan upang makatulong sa mga kapus-palad nating kababayan.
Sa darating ika-18 ng Mayo taong 2020 ay sisimulan ang pamamahagi ng pamahalaan sa lahat ng nasasakupan ng bawat barangay bilang ikaapat na distribusyon ng relief goods para sa pangkalahatang ayuda sa mga apektadong pamilya ng panganib na dala-dala ng sakit na COVID-19.