Skip to main content

TAUNANG PAGKILALA SA TOP 5 OUTSTANDING MUNICIPAL TREASURER SA ATING LALAWIGAN!

Mula sa liham na galing sa ating Provincial Government of Palawan, Opisina ng Provincial Treasurer na kung saan ay bibigyan ng pagkilala ang pinaka magagaling na ingat yaman ng bawat municipyo. Sa muling pagkakataon at sa pang sampung beses ay kasama ang ating bayan partikular ang ating Municipal Treasurer,
Renato V. De Vera na tatanggap ng nasabing parangal. Ito ay gaganapin ngayong darating na Hunyo 21, 2022 sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang pagkilala ito ay isang patunay na ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor V katuwang ang opisina ng Ingat Yaman ay agrisibo at epektibo ang mga hakbang upang lalong maitaas ang koleksyon sa real property tax at business establishments sa ating bayan. Ang magandang koleksyon ay nangangahulugan ng mas epektibong serbisyo para sa ating mga kababayan. Ngayong taon din ipinatupad ang Electronic Business Licensing System (eBPLS) na naging malaki ang kontribusyon sa mabilis na pagkuha ng business permit ng mga negosyante.
Pasasalamat ang nais iparating ng ating lokal na pamahalaan sa mga opisina at kawani sa sipag at hindi matatawarang serbisyo na kanilang binigay, gayundin ang butihin nateng mga tax payers na masigasig sa pagtupad ng kanilang responsibilidad sa ating pamahalaan. Sa patuloy natin pag ABANTE nawa’y lalo nating pag ibayuhin ang malakas na paniniwala na ang ating bayan ay nasa tamang landas ng pagbabago.
#ABANTECULION
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan