
TH MIATF MEETING
Ika-15 ng Mayo taong 2020 ay naganap ang ika-4 na pagpupulong ng Municipal Inter Agency Task Force (MIATF) sa pangunguna ng ating Butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera na isinagawa sa RHU Conference Hall Culion, Palawan sa ganap na alas 10 ng umaga hanggang 1 ng hapon na siya namang dinaluhan ng mga miyembro ng MIATF, Sangguniang Bayan Members, at iba pang mga opisyales ng Barangay.
Muling isinagawa ang pagpupulong upang marebisita at mas mapaigting ang pagpapatupad ng GCQ laban sa kinakaharap nating CoVID-19. Napagusapan din ang ibat ibang isyung kinaharap ng mga nakaraan linggo at binigyan linaw ang mga ito. Pangunahing tinalakay ang mga sumusunod.
1) Status of Covid 19 Six Month Execution Plan
a. Health Status
b. Peace and Order
c. Relief Goods Distribution
2) Incidences of Ingress or lllegal Entries
3) Barangay Issues on the Implementation of GCQ
4) Violations on Barangay Checkpoints; and
5) Programang Libreng Balik Culion
6) Department of Educaton Balik Eskwela Status
Naging maayos ang mga pag uusap, at natalakay ang mahahalagang mga isyu upang mas maging epektibo ang implementasyon ng GCQ. Muling binigyan diin ni Mayor V ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa bayan at sa ating mga kababayan upang buklod buklod nating mabantayan ang ating mga borders upang hindi makapasok ang corona virus sa ating bayan. Nanawagan muli si Mayor V sa mga opisyales at volunteers sa pagpapaigting ng implementasyon ng ating mga
regulasyon.