Skip to main content

Tignan: Pagbisita ng PDEA Regional Director sa Bayan ng Culion

Buong galak na sinalubong at nakipagpulong ang ating lokal na pamahalaan sa Pangunguna ni Mayor V at Ginoong Maxim F. Raymundo at iba pang Department Heads at employees sa PDEA Regional Team sa pangunguna ni Dir. Gil Cesario Castro at Provincial ADAC sa pangunguna naman ni Ginang Florfe Anne Fernadez ngayong araw, August 26, 2023.
Isa sa napag-usapan sa pagpupulong ay ang pagbabahagi ng mga bagong teknolohiya para sa pagpapaunlad ng seguridad ng ating bayan at maging ang pagpapatayo ng Balay Silangan para sa patuloy na pagiging drug cleared ng buong bayan ng Culion. Maging ang pag-update sa mga responsibilidad, status at pagpoproseso ng drug clearing ng ating munisipyo at mga Barangay.
Ang pagpupulong na ito’y isang indikasyon sa magandang bukas at sa patuloy na pag-abante ng Culion laban sa droga.
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#PDEA

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan