Skip to main content

Tignan: Paggawad ng Maderep na Obrero (Masipag na Empleyado) Award

Noong Martes, ika-22 ng Agosto, 2023, ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala (MADEREP NA OBRERO AWARD) si Gng. Irene P. De Guia dahil sa kanyang taglay na kasipagan sa trabaho. Ang kanyang boluntaryong paggawa ng mga tungkuling lampas na sa itinakda ng kanyang Position Description Form (PDF) ay kahanga-hanga.
Pinangunahan ng kanyang Immediate Supervisor na si DR. JONAMINE DL. FADRILAN, MHNO, kasama ng HRMO Officer-In-Charge, CHARMINE GAY MARIMON, ang nasabing paggawad.
Ang pagkilala sa mga kahanga-hangang aksyon ng mga empleyado sa trabaho ay bahagi ng Rewards and Recognition Program ng Lokal na Pamahalaan ng Culion. Dahil layon ng ating Punong Bayan, Mayor V, na maramdaman ng mga empleyado na ang lahat ng kanilang magagandang gawi ay nakikita, kinikilala, at hinahangaan.
#hrmoculion
#abanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan