Skip to main content

TINGNAN: 3RD BATCH SA MGA BENEPISYARYO NG NHA HOUSING UNIT IPINAMAHAGI NA

Nito lang ika-5 ng Agosto taong kasalukuyan ay muli na namang namahagi ng Pabahay ang ating abang lingkod Mayor V kasama ang kanyang Sangguniang Member Hon. Felford Solas, LnB Hon. Rodel Nacachi, Barangay Kapitan Hon. Mark Anthony Abrera at kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office na nag asista sa nasabing pamamahagi ng Pabahay mula sa National Housing Authority (NHA) .
Mahigit sa 79 benepisyaryong indibidwal ng Barangay Galoc ang mapalad na nakatanggap ng bagong pabahay na handog ng ating abang lingkod Mayor V katuwang ang National Housing Authority (NHA). Prayoridad ni Mayor V na mailikas ang kanyang nasasakupan na nakatira malapit sa baybaying dagat dahil sa malalakas na hampas ng alon at hanging dala ng bagyo. Nais nitong maging panatag ang pamumuhay ng ating kababayan dahil sila ay makakalipat sa komportable at matibay na bahay para sa kani-kanilang mga pamilya.
” Sana’y pag ingatan inyo ang mga bahay mula sa NHA ako at ang aking mga kasamahan sa Pamahalaang Lokal ay patuloy na mag bibigay ng mga programa at proyekto na labis na makakatulong at mapapakinabangan ng bawat isa.” – Mayor V.
#NHA
#bagongbahaybagongbuhay
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan