TINGNAN: LOKAL NA PAMAHALAAN AARANGKADA SA HULING TERMINO NI MAYOR V!


July 8, 2022, biyernes ginanap ang isang pagpupulong na dinaluhan ng lahat ng opisina ng ating lokal na pamahalaan upang pag-usapan ang mga priyoridad ng administrasyon ni Mayor V ngayong taon at sa darating na tatlong taon.
Inatasan ni Mayor V, ang Municipal Administrator, Maxim F. Raymundo upang ilatag ang mga planong magbibigay ng malaking epekto sa komunidad ng Culion. Pagtatayo ng mga mahahalagang imprastraktura, pagpapalalakas ng Social Services, at pagbuo ng iba’t-ibang programa na sasalamin sa ninanais ng bawat mamamayan para sa kanila.
Tinalakay ang mga hakbangin upang mas maganda, maiayos at mapabilis ang serbisyo ng mga ibat-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa pagdaragdag ng mga importanteng serbisyo para sa taong bayan.
Ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor V ay lalong pagtitibayin sa pamamagitan ng solido, komprehinsibo at inklusibong plano para sa mas matagalan at sustinableng pag-abante at sa patuloy na pagpapalakas ng Programang Malasakit lalo na sa ating mga kababayang IP.
#matibaynapundasyon
#unasaprayoridad
#abanteculion

 

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan