Skip to main content

Tingnan: Pagpapasinaya at Pagbasbas ng Multipurpose Covered Court sa Baranggay Halsey

TINGNAN: PAGPAPASINAYA AT PAGBASBAS NG MULTIPURPOSE COVERED COURT SA BARANGGAY HALSEY SA ILALIM NG PROGRAMANG IMPRASTRAKTURA NI MAYOR NAISAKATUPARAN!
Matagumpay na naidaos ang pagpapasinaya at pagbasbas ng bagong multipurpose covered court sa baranggay Halsey ika 17 ng Oktobre taong kasalukuyan (2023) na sinundan ng maikling seremonya na pinangunahan ng ating butihing Mayor. Ma. Virginia N. De Vera at kasama ang kanyang Sangguniang Bayan Members at Engineer Michel ng Provincial Government ng lalawigan ng Palawan upang saksihan ang pormal na pagtanggap sa multipurpose covered court na pinamumunuan ng Punong Barangay Victor Mariano. Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal at Barangay naitayo ang matatag at matibay na multipurpose covered court dahil sa layunin ng programang malasakit ng ating abang lingkod na magsilbing inspirasyon sa ating mamamayan bilang parte ng ating pamumuhay. Lalong higit na magagamit ito sa mga aktibidades pang barangay, eskwelahan at sa Lokal na Pamahalaan at pagsibol ng mahuhusay na basketball player na magbibigay ng karangalan sa ating bayan. at sasariwain sa puso’t isipan ng naniniwala at maniniwala sa programang may malasakit sa tuloy-tuloy na pag daloy at pag abante ng bayan ng Culion.
#multipurposecoveredcourthalsey
#Victormariano
#EngineerMichelngProvincialGovernmentnglalawiganngPalawan
#programangimprastraktura
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan