Skip to main content

TINGNAN: PROGRAMANG MALASAKIT NI MAYOR V SOLAR LAMP PARA SA SITIO. ALAVA PINAMAHAGI NA

Pinangunahan ng ating abang lingkod Mayor V ang pamamahagi ng Solar Lamp para sa mga kapus palad na residente ng Sitio. Alava, Barangay Binudac. Kasama ang mga kawani ng Office of Municipal Administrator, General Services Office (GSO) sa pag asista sa nasabing pamamahagi nito lang ika-8 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Layunin ng Programang Malasakit ni Mayor V dahil sa Solar Lamp ay mabigyan ng proteksyon at seguridad ang ating kababayan. Gayun din na mabigyan ng liwanag ang bawat tahanan na di naabot ng elektrisidad at malaking tulong ito sa mga bata na nag aaral sa pag gawa ng kani-kanilang takdang aralin.
#solarlamp
#programangmalasakit
#malasakitsabayan
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan