Skip to main content

TINGNAN | PROGRAMANG MALASAKIT SA MGA KABABAIHAN – LIVELIHOOD ASSISTANCE

Magkakasunod na ibinahagi ni Mayor V ang mga cash assistance na nagkakahalaga ng 30,000.00 pesos bawat Women’s Association nito lang Lunes, February 5, 2024 sa Barangay Baldat, Culion, Palawan.
Ang mga women’s association na ito ay ang mga sumusunod;
1. Alava Women’s Association na may 23 miyembro para sa kanilang Proyekto na Sari-sari Store.
2. Lower Butnongan Women’s Association na may 10 miyembro para sa kanilang Ukay-ukay Store na proyekto, at
3. Samahan ng Nag-gagandahang Kababaihan ng Barangay Libis na may 40 miyembro para sa kanilang proyekto na Buy & Sell.
Labis rin ang kagalakan ni Mayor V na muling makipag-arampang ampang sa mga kababaihan at makamusta ang kani-kanilang kalagayan sa mga komunidad. Lubos naman ang pasasalamat at tuwa ng mga kababaihang napili sa livelihood assistance ng Programang Malasakit ni Mayor V na siyang naghatid sa kanila ng pag-asenso at pag-Abante ng buhay sa kani-kanilang komunidad sa Culion.
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#WomensAssociation

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan