Skip to main content

TINGNAN : REHISTRASYON AT RENEWAL NG BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) 2024 ILULUNSAD!

Ilulunsad na ang Business One Stop Shop o (BOSS) ito ay sisimulan mula Enero 8-24 unang buwan sa taong 2024. Bukas para sa lahat ng mga negosyante na mag parehistro at renewal ng business permit ito ay gaganapin sa Bayanihan Covered Court Barangay Balala mula alas 8:00AM hanggang alas 5:00PM ng hapon.
Ang mga departamento ng MDRRMO, MAO, RHU, TOURISM, TREASURY, at Office of ADMINISTRATOR pati na rin ang ahensya ng BFP, DTI kasama rin ang mga Barangay na naatasan sa pag asista para sa ikakaayos ng tamang proseso sa mga dokumento ng nasabing Business One Stop Shop 2024.
Inaasahan ng ating abang lingkod Mayor V ang kooperasyon ng bawat negosyate na kumuha na ng business permit na aasahang hindi lalagpas sa binigay na takdang petsa para maiwasan ang anu mang multa. Tuloy-tuloy ang pag abante sa hangaring pagunlad ng ating kabuhayan para sa ating pamilya.
# 2024BusinessOneStopShop
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan