Skip to main content

TINGNAN: SLAUGHTER HOUSE NG PAMAHALAANG LOKAL NG CULION ININSPEKSYON ANG TATAYUANG AREA!

Nito lang nakaraang buwan ng Disyembre ika-13, 2023 ay nagkaroon ng pagpupulong sa pangunguna ng ating abang lingkod Mayor V kasama ang ating Municipal Administrator Maxim F. Raymundo, Punong Departamento ng Office of Municipal Agriculturist Arnel H. Alcantara, Municipal Engineer Christie Fructouso, Municipal Assessor Ma. Edda Dimanalata, NMIS Director Maria Ancilla S. Zartiga, DENR Forester II Paul Vincent Palao, Forester I Bonifacio Albag Jr., PPO Ryan Aboratigue. Kung saan ay napag-usapan ang possible areas, accessibilities at pondo ng ating Slaughter house sa bayan ng Culion.
Kasabay nito ang validation ng construction site ng ating Slaughter house kasama ang ating Municipal Engineer Christie Fructouso, OMA Arnel H. Alcantara, MASSO, Ma. Edda Dimanalata, DENR personnels, NMIS Director Maria Ancilla S. Zartiga. Isa sa nakitaan ng ating Slaughter house ay ang Culion Agricultural Development center (CADC) sa Barangay Baldat na may acess na kalsada, elektrisidad at tubig na kakailanganin ng ating Slaughter house na magagamit sa publiko. Ito ay makakatulong sa mga kababayan natin na magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan para sa pamilya.
Sa pagpupursige ng ating abang lingkod Mayor V sa kanyang programang de gobyerno sa huling nitong termino maaasahan natin ang ating pag-unlad at pag abante sa bayan ng Culion.
#slaughterhouse
#ahonsaprogramangdegobyerno
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan