Skip to main content

Tingnan: Tulong mula sa Special Education Fund (SEF) – Funded

TINGNAN: TULONG MULA SA SPECIAL EDUCATION FUND (SEF) –FUNDED, (43) PRINTERS NA IPINAMAHAGI NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN AT DepEd PALAWAN PARA SA DepEd CULION DISTRICT.KATUWANG ANG PROGRAMANG MALASAKIT SA EDUKASYON NI MAYOR V SA MGA GURO AT MAG-AARAL SA BAYAN NG CULION
Matagumpay na isinagawa ang turnover ng Printer nito lang ika-16 ng Oktobre taong kasalukuyan na ginanap sa Balala Elementary School Barangay Jardin. Dahil ito sa pakikipagugnayan ni Mayor V sa ating Provincial Government of Palawan sa ating kagalang – galang na Governor Dennis Socrates na napabilang ang Culion Municipality na maging benepisyarong nakatanggap ng HP SMART TANK 615 Wireless All in One Printers para sa mga paaralan sa Culion DepEd District sa pamumuno ni PSDS Florita P. Rodriguez.
Layunin ng Programang Malasakit sa Edukasyon ng ating abang lingkod Mayor V upang makatulong na mas mapaunlad ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan at mapagaan ang kanilang pag imprinta ng mga modules na ipapamigay sa mga estudyante at mahahalagang reports ng ating kaguruan. Mahigit sa 43 HP SMART TANK 615 Wireless All in One Printers ang napagkalooban sa buong eskwelahan sa bayan ng Culion at ito ay pinunduhan mula sa Special Education Fund (SEF).
Kasama sa mga dumalo sina Mayor V, Executive Assistant V Mirasol Pastrano, PSDS Florita P. Rodriguez kasama ang Teacher in Charge ng bawat eskwelahan sa bayan ng Culion, at mga kawani ng Provincial Information Office (PIO) Provincial Government of Palawan sa pangunguna ni Atty. Christian Jay V. Cojamco.
#programangmalasakitsaEdukasyon
#provinceofpalawan
#printer
#sulongedukasyon
#IHEALCulion
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan