Skip to main content

Tingnan: Usapang Pag-Abante ng Tertiary Education sa Pagitan ng WPU at ng Team Abante Culion

Matapos na manalasa ang malalakas na pag-ulan na dala ng Habagat ng bagyong Goring ay nagtungo ang Team Culion sa Puerto Princesa City sapangunguna ni Mayor V, mga SB at ilang piling mga department heads upang makipag-daupang palad sa mga opisyal ng Western Philippines University sa Pangunguna ni Atty. Joselito C. Alisuag, WPU Palawan Acting President at CHED Regional Director. Minabuti ni Mayor V na mapag-usapan ang hangarin na makapagdagdag ng mga kurso sa ating WPU-Culion Campus at ang pagpapaunlad ng mga pasilidad para sa mga estudyante ng WPU sa Culion.
Kasama rin sa napag-usapan ang planong pagsasagawa ng conversion mula WPU-Culion Campus upang maging Culion Community College na kalaunang imamanage ng ating lokal na pamahalaan kung saan ay nauna itong isinangguni ng WPU Palawan Acting President ang pagiging Local Community College ng ngayo’y WPU-Culion. Ito ay dahan-dahan nating isasagawa ng hindi tatagal ng 8 hanggang 10 taon na konbersyon para maging ganap na Community College. Kung kaya’t ang lahat ng mga kurso ay pipiliin na ng lokal na pamahalaan. Kaya naman ito ay magiging kauna-unahang Community College sa lalawigan ng Palawan.
“Dahil dito ay masisigurado nating maraming makakapagtapos hindi lamang sa Senior High bagkus ay sa Kolehiyo. Sabi nga ni Mayor V: “kung dati’y pangarap nya sa bawat pamilya ay maroong lamang isang batang makapagtapos para maiangat ang antas ng buhay ng bawat pamilya. Ngayon ang pangarap nya na sana ang bawat anak sa bawat pamilya ay makapagtapos ng kolehiyo, dahil abot kamay na ang isang kolehiyo sa ating bayan.” – Maxim Raymundo
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#AbanteEdukasyon

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan