Skip to main content

TREE PLANTING ACTIVITY NG LOKAL NA PAMAHALAAN 2023

TINGNAN: TAUNANG CIVIL SERVICE CELEBRATION – TREE PLANTING ACTIVITY NG LOKAL NA PAMAHALAAN 2023

Ginanap noong Martes, September 26, 2023, ang Tree Planting Activity ng lokal na pamahalaan dahil sa laki ng malasakit ni Mayor V sa kalikasan ay matatandaang idineklara ni Mayor V noong 2020 ang taunang tree planting activity sa bawat Civil Service Anniversary ng lokal na pamahalaan sa hangaring pagbabalik ng biyaya sa kalikasan.
Pinangunahan ni Mayor V ang pagtatanim ng mga Narra Cuttings sa Municipal Eco Park (Sanitary Landfill) kasama ang Team Gatasan at Tuyom at Mangrove propagules sa Baldat Women Managed Area sa bandang sitio Demacuang na ating binibili sa Baldat Farmers & Fisherman Association (BAFFA) na siya namang itinanim ng Team Walo-walo at Pagi. Patuloy ang ating mga hakbangin para sa sustenableng paggamit ng kalikasan kasabay ang pag-abante ng Bayan.
#IHEALCulion
#AbanteCulion
#ProgramangMalasakit
#123rdCSAnniversary

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan