Skip to main content

Tropical Depression “GARDO” | August 31, 2022

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Miyerkules, August 31, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 3:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Tropical Depression “GARDO” ay namataan sa layong 1,140km East ng Extreme Northern Luzon (20.2N, 132.9E) na may hangin umaabot ng 55km/h at bugso na 70 km/h at itoy gumagalaw sa direction na Northeastward na may bilis na 10km/h.
Ang buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilagang-kanluran ang iiral sa Palawan kasama ang Kalayaan Isalands at Occidental Mindoro, Samantala galing sa Hilagang-kanluran hanggang sa Timog-kanluran ang iiral sa buong Visayas at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon..
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan